0
Spain as a country is very much intertwined with the history and culture of the Philippines, having been its colonial master for almost 4 centuries, until the Philippine Revolution of 1898.  It remains an important destination for Filipinos who may want to see places and monuments associated with the country’s national heroes.  Nowadays a vibrant and active Filipino community lives, works and carries on as new Spanish-Filipinos.

Ipinagmamalaki ni Consul General Cookie Feria ng Embajada de Filipinas ang Filipino community sa Espanya.

Bukod kasi sa kanilang sipag at tiyaga sa trabaho, marami na rin sa kanila ang unti-unting nag-iisip ng negosyo upang umangat ang katatayuan.

Malakas din ang impact nila sa mga Kastila na mataas ang tingin sa kanila at humahanga sa kanilang dalang kultura sa bansang ito.

Maging ang matataas na opisyal sa pamahalaan ng Espanya ay mga Pinoy din ang hanap na empleyado kung mga pamilya nila ang pag-uusapan.

Dagdag niya, “Their employers also are the movers and shakers here, diba? The mga government officials here in Madrid, their employees are Filipinos… when the (city) President’s nurse stepped down, I got a phone call from the secretary of the President asking me to find a Pinay to take care of her parents. Doesn’t that say something great about us, how Spanish think of FIlipinos…”

Tinatayang may mahigit mga 45,000 Pinoy sa buong Espanya at bagama’t marami sa kanila ang nagtatrabaho sa mga bahay-bahay, marami rin ang nagpapatakbo ng mga establishments dito na nagbibigay sa kanila ng idea at experience sa business.

Ayon kay Ms Feria – “It is a good indication of Filipinos trying to branch out from being employees to being employers and entrepreneurs, little by little they are growing, it’s a learning experience. You see that the establishments are basically one man operations you know and basically they are actually still catering to the Fil community; it would be nice to see them cater to the local community, the Spanish community, maybe by way of opening up restaurants, maybe other services for instance… A lot of Filipinos here we are the waiters in the restaurants or the cooks — why can’t they be the owners, they are the ones who practically run business… That would be the logical step.”

Ayon kay Congen Feria ang importante lang dito ay marunong ka ng wikang Kastila upang makapag-business ka at makapag-take advantage sa mga suportang ibinibigay ng Spanish government sa mga migrante.

Ang wikang Kastila ay hindi mahirap para sa mga Pinoy dahil sa ating kasaysayan, at dahil mula high school hanggang kolehiyo ay pinag-aaralan natin ito sa Pilipinas.

Sa totoo lang nakatutuwang marinig na maging ang mga kabataang naglalaro ng basketball sa Madrid, pati ang mga manonood, ay Kastila ang usapan.

Ang Madrid ay puno rin ng mga bagay-bagay na Pinoy na mabibili halimbawa sa mga antique markets o shops tulad ng paintings, carvings, mga mapa atbp na dala ng mga Kastilang nanggaling sa atin noong unang panahonm nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng Espanya.

Mayroon din ditong mga permanent exhibits sa mga museo tungkol sa Pilipinas at ang mayaman nitong kultura.

Hindi rin mahirap ma-inspire ang mga Pinoy dito dahil magpunta lang sila sa Avenida de Filipinas, sa metro Islas Filipinas, ay makikita nila doon ang rebulto ni Dr Jose Rizal na replika ng nasa Luneta, at mababasa pa ang kabuuan ng kanyang tulang Mi Ultimo Adios sa Kastila at Filipino, nakaukit sa plakeng bronze.

Kinumpirma naman ni Ambassador Joseph Bernardo ang magandang katatayuan ng mga Pinoy sa Espanya.

Ayon kay Ambassador Bernardo, “Napakagaling ng community natin dito. Wala tayong problema at iginagalang sila ng mga Kastila at mahal na mahal sila para silang miyembro ng mga pamilya.”

Umaasa rin siya na lalong darami ang mga Filipino entrepreneurs sa Espanya pagdating ng araw.

by Gene Alcantara






Post a Comment

Share Euro Filipino Journal Today!

-
 
Top